TRENDING sa social media ang sweet na sweet na larawan ni Vice Ganda at ng kanyang rumored boyfriend na si Ion “Kuya Escort” Perez. Diumano’y kuha sa Amerika ang mga photos via IG post kung saa’y makikitang nakadampi ang mga labi ni Ion sa pisngi ni Vice at todo-yakap naman ang It’s Showtime host sa “Ms. Q and A” segment discovery.

Vice at Ion

Caption sa Instagram post ng @ viceionation last July 11: “‘HAVING YOU NEAR ME FEELS SO RIGHT.’ to: @pereziion27 Love, your forever Darling, @praybeytbenjamin”

Base sa larawan at sa background, kuha ito sa Hollywood, California, kung saan nag-concert si Vice noong May. Kasama ni Vice sa kanyang entourage ang kanyang ina, ilang kaibigan, at si Ion.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa mga in-upload na photos, mapapansin na pareho ang headband ni Vice at shades na suot ni Ion sa mga lumabas na larawan nila noon.

Noong July 9, nag-post daw si Ion sa kanyang IG Stories ng larawan nila ni Vice.

Sabi ni Ion sa caption, ayon sa post ng @viceionantion: “Darling I will be loving you till we’re 70’.

Matagal na ang balitang may relasyon sina Vice at Ion, bagamat walang direktang pag-amin o pagdi-deny mula sa dalawa.

Hindi rin naman nila ito kinukumpirma pa hanggang ngayon.

Pero kung pagbabasehan ang mga kilos nila sa It’s Showtime, masasabing mayroon nga silang mas malalim na ugnayan.

May kasabihan nga na, action speaks louder than words or what you see, is what you get.

-ADOR V. SALUTA