MAY dahilan kung bakit hindi pa nagpapa-interview sina Angel Locsin at Neil Arce tungkol sa naganap na wedding proposal at iba pang detalye ng kanilang nalalapit na kasal dahil wala pa raw silang masasabi.

dimples

Ayon kay Angel nang makapalitan namin ng mensahe, “’pag may buong plano na Ate, para hindi ma-jinx he, he, he.”

Hindi pa maupuan nang dalawa ang tungkol sa kasal dahil pareho silang abala at tinanong namin ang aktres kung totoong hanggang Setyembre ngayong taon na lang ang The General’s Daughter na sumusunod sa FPJ’s Ang Probinsyano pagdating sa ratings game.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

“Dapat nga hanggang July lang,” kaswal na sagot sa amin.

Sa madaling salita, na-extend ang TGD na nagsimula noong Enero 21, 2019. Aabutin ng walong buwan ang serye kung sa Setyembre pa ito magtatapos. Okay na dahil kahit na sinabing hanggang Hulyo lang, e, anim na buwan pa rin ‘yun.

Ganu’n talaga ang mga programa sa ABS-CBN, kapag mataas ang ratings at maraming pumapasok na commercials, nae-extend.

Tama lang din na hanggang Setyembre na lang ang The General’s Daughter para magkaroon sila ni Neil ng panahon na makapag-prepare para sa kanilang kasal.

Pero hindi pala dahil, “may mga movies pa na nakaline-up, but need to prepare for the wedding,” sagot sa amin ng aktres.

Sa madaling salita, habang nagpe-pelikula si Angel ay isasabay na niya ang preparasyon sa kasal. Sabagay, okay na rin ang i s a n g taong preparasyon.

At sa mga g u s t o p a n g magtanong ng tungkol sa ibang detalye, si Dimples Romana na lang ang kulitin, sabi nga ni Neil.

“By the way, ang official spokesperson namin ay si Dimples Romana,” pagtatapos ng dalaga.

-Reggee Bonoan