ANG saya ng presentation ng Unang Hirit kahapon, Friday, July 12, nang bumisita ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo sa GMA Network para mag-promote ng first movie team-up nila ni Alden Richards, ang Hello, Love, Goodbye for Star Cinema.

Kath at Alden sa 'Unang Hirit'

Kitang welcome na welcome si Kath ng mga hosts ng morning show, at sa portion ng interview sa kanila ni Alden, sina Suzi Entrata at Luane Dy ang kumausap sa kanila.

Taped as live ang portion na iyon at habang ipinapalabas, nanonood naman ang lahat ng hosts.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

May mga flashback photos na ipinakita sa show, noong nagpi-pictorial si Alden noong 2010 na nasa GMA na rin siya, at si Kath, nang unang gumawa siya ng teleserye sa GMA.

Matatandaang si Kathryn ang gumanap na batang Marian Rivera, si Jenny Cruz, sa Pinoy adaptation ng Endless Love in 2010, na 12 years old pa lang siya noon.

Si Kristoffer Martin ang nakatambal niya as the young Dingdong Dantes, si Johnny Dizon.

Kaya isa sa naitanong kay Kathryn, kung sakaling payagan din siya ng ABS-CBN na makagawa sa GMA, tulad ng chance na ibinigay ng GMA kay Alden para makagawa sa ABS-CBN, sino ang gusto niyang makasamang artista after ni Alden?

“Si Marian Rivera po,’’ sagot ni Kathryn.

“Hindi man po kami nagkaeksena noon sa Endless Love, dahil nag-abot ang taping namin as the young Jenny at si Marian.

“Paminsan-minsan ay dumadalaw siya sa set, kaya nagkaroon din ako ng chance na makasama siya. Na-starstruck po ako sa kanya talaga.

“Hindi po doon natapos ang friendship, every now and then nagkikita kami kapag may mga showbiz functions. Noong debut ko, inimbita ko siya at masayang-masaya ako nang dumalo siya.

“Para po sa akin, si Marian ang pinakamagandang artista sa buong mundo.”

Anyways, nag-number one trending topic sa Twitter ang #KathAldenOnUH, kahit sinabayan din ito ng taped guesting din ng dalawa sa Umagang Kay Ganda sa ABS-CBN, kung saan si Amy Perez naman ang nag-interview sa kanila.

Malaking oras ang ibinigay ng Unang Hirit kina Alden at Kath, pero hindi natapos ang kanilang segment. Kaya may aabangan pa ang mga fans na part 2 ng #KathAldenOnUH sa Monday, July 15.

-NORA V. CALDERON