SABI ng madlang pipol, “bitter” daw ang mag-amang Estrada, partikular na sina dating Manila mayor Joseph Estrada at kanyang anak na si Jerika Ejercito sa pagpapakitang-gilas ng bagong halal na mayor ng Maynila na si Isko Moreno.

Erap

‘Tila ‘di pabor ang mag-ama sa pagpapaalis ni Isko sa mga illegal vendor na nagtitinda sa kalsada patungong Divisoria.

Naunang nagpahayag ng kanyang saloobin si Jerika sa social media at kasunod nito’y ang pagpapahayag naman ni dating Pangulo at Manila Mayor Erap ng kanyang saloobin sa hakbangin ni Isko.

Pelikula

'Magpasa na!' 50th MMFF, may contest para sa Student Short Films

Kaugnay ito ng isinasagawang clean-up drive ng bagong administrasyon ni Isko sa ilang pangunahing lugar sa Maynila, gaya ng Divisoria, Recto, Blumentritt, at Quiapo.

Ayon kay Erap, madaling linisin ang lungsod mula sa illegal vendors—na ilang dekadang umokupa sa mga pangunahing kalsada sa Kamaynilaan—ngunit may ilang bagay daw na kailangang isaalang-alang o ikonsidera.

“Ilang taon na akong naging mayor—sa San Juan, sa Maynila—naging Presidente pa ako.

“Madali ‘yan iutos, pero titingnan mo rin ang kapakanan ng kapwa tao mo, lalo na ‘yung mga mahihirap,” hinaing ni Erap sa kanyang panayam sa DZMM teleradyo nitong Martes, July 9.

Si Erap ay naging mayor ng San Juan sa loob ng 17 taon, mula 1969 hanggang 1986.

Noong 1998 ay nahalal siyang Pangulo ng Pilipinas, ngunit napatalsik sa puwesto noong 2001.

Noong 2013 ay tumakbo at nanalo siyang mayor ng Maynila, at nanalong muli para sa kanyang ikalawang termino noong 2016.

Ngunit nitong 2019 elections ay natalo siya ni Isko para sana sa kanyang ikatlo at huling termino bilang Manila mayor.

Mariin ding pinabulaanan ni Erap ang mga alegasyong panunuhol ng kanyang successor.

Sa isang panayam ay isiniwalat ni Isko na sinuhulan siya ng limang milyon para itigil ang kanyang operasyon laban sa illegal vendors.

Pahayag ni Erap tungkol dito, “Hindi nga makagpagbayad sa city hall araw-araw, nahihirapan pa, mag-offer pa ng milyun-milyon? Kalokohan.

“Wala nang mapakain sa kanilang pamilya, magbibigay ng milyun-milyon?

“Tama na ‘yang mga kalokohan na ‘yan.”

Sa kabila ng mga alegasyong ibinabato laban sa kanya, ipinapanalangin pa rin daw ni Erap ang tagumpay ni Mayor Isko.

“Let us pray and wish him (Mayor Isko) success

-Ador V. Saluta