Patay ang dalawang pinaniniwalaang tulak ng iligal na droga

(kuha ni Isabela PPO)

(kuha ni Isabela PPO)

matapos umanong lumaban sa pulisya sa ikinasang operasyon kontra-droga sa Cauayan City, Isabela, nitong Miyerkules ng gabi.

Dead on the spot ang dalawang suspek na kinilala ng mga awtoridad na sina Eduardo Barroga, alyas “Junior”, at Butch Felipe, kapwa taga-Barangay Bacareno, ng nasabing lungsod, dahil sa mga tama ng bala sa kanilang katawan.

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file na kandidato sa pagkasenador at party-list

Sa ulat ni Isabela Police Provincial Director Col. Mariano Rodriguez, ang dalawang suspek ay sinailalim ng mga tauhan ng Cauayan City Police at Regional Drug Enforcement Unit sa buy-bust operation Bgy. Bacareno, dakong 11:55 ng gabi.

Nakahalata ang dalawa na isa lamang patibong ang operasyon kaya nagbunot umano ng baril ang mga ito at pinaputukan ang mga pulis.

Tumimbuwang ang dalawa nang makipagbarilan sa kanila ang mga awtoridad, ayon sa pulisya.

Inihayag ng pulisya, matagal na nilang sinusubaybayan ang dalawa kaugnay ng pagkakasangkot sa operasyon ng iligal na droga sa lungsod.

Narekober sa lugar ang dalawang cal.38 revolver, 38 na basyo ng bala, at limang plastic sachet na naglalaman ng umano’ shabu, marked money at isang motorsiklo.

-Liezle Basa Iñigo