Nasa 70 estudyante ang isinugod sa ospital matapos mahilo sa isang paaralan nang maramdaman nila kahapon ang sunud-sunod na aftershocks ng magnitude 5.5 na lindol sa Davao City, nitong Martes ng gabi.

LINDOL

Ayon kay Col. Alex Tagum, hepe ng Davao City Police Office (DCPO), isinugod sa ospital ang mga estudyante nang sila ay himatayin, dakong 9:00 ng umaga.

Sinabi nito, nag-panic umano ang mga estudyante hanggang sa magkaroon ng stampede sa Crossing Bayabas National High School sa Barangay Toril nang maramdaman ang serye ng aftershocks.

Eleksyon

Philip Salvador, masayang number 1 sa boto 'beshy' na si Sen. Bong Go

Karamihan aniya sa dinala sa pagamutan ay naipit at nahirapang huminga nang magtulakan ang mga ito dahil sa pagmamadalilng lumabas ng eskuwelahan.

Kaugnay nito, posibleng abutin pa ng isang taon ang mararamdamang aftershocks. Ito ang pangamba ni Engr Hermie Daquipa, hepe ng Phivolcs- Kidapawan City Station matapos maitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang 102 aftershocks kahapon, kabilang na ang magnitude 5.9 na lindol sa Kidapawan City.

Ang naramdaman aniyang magnitude 5.9 na pagyanig ay posibleng titindi pa sa susunod na tatlong buwan hangang isang taon.

Gayunman, sinabi nito na depende pa rin aniya ito sa katatagan sa ilalim ng lupa sa naturang lugar.

Sinuspinde na rin kahapon ang lahat ng pasok sa paaralan sa lahat ng antas upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante.

Ayon sa local government ng Makilala sa North Cotabato,   ramdam pa rin ng mga residente ang epekto ng aftershocks.

Kabilang lamang ang Makilala sa kinansela ang pasok dahil ito ang sentro ng pagyanig.

Naitala rin ang lindol sa Arakan, Antipas, at Tulunan sa lalawigan.

Nagsagawa na rin ng inspeksyon sa mga gusali upang matiyak ang katatagan ng mga ito.

Nasira rin ng lindol ang ilang istraktura sa Davao del Sur.

Nagdeklara rin ng suspensiyon ng klase si Matalam Mayor Oscar Valdevieso, ng North Cotabato at Magsaysay, Davao del Sur Mayor Arthur Davin kasunod na rin ng naitalang aftershocks.

-Malu Cadelina Manar, Zea Capistrano, Ali G. Macabalang, at Fer Taboy