Handa na si Bulacan Provincial Police Office (BPPO) director Col. Chito Bersaluna na sumailalim sa anumang imbestigasyon kaugnay ng kampanya nito kontra-droga sa lalawigan.

BULACAN

Ito ay kasunod ng inilabas na ulat ng grupong Amnesty International kung saan tinawag na ‘bloodiest killing field’ ang nasabing probinsiya kaugnay ng nasabing anti-drug campaign ng pamahalaan.

Idinahilan nito, anumang oras ay maaari siyang isalang sa ilulunsad na imbestigasyon ng mga ahensiya ng pamahalaan upang masagot ang mga alegasyong marami na ang napapatay na sangkot sa droga sa lalawigan.

National

Paalala ng PWS para sa flu season: 'Do not kiss babies that aren't yours!'

Gayunman, sinabi ni Bersaluna na mas marami pa rin ang naaaresto at sumusuko sa kanilang nasasakupan kung ikukumpara sa bilang ng mga napapatay.

Sa rekord aniya ng BPPO, mula Enero 1 hanggang Hunyo 13 ay may kabuuang 848 na anti-drug operations ang isinagawa sa lalawigan kung saan aabot sa 1,216 ang naaresto at nasa 123 naman ang napatay sa operasyon.

Paglilinaw pa nito, nagresulta rin ito sa pagkakakumpiska ng 3,295 na sachet ng shabu, 401 na sachet ng marijuana at 144 na baril.

-Fer Taboy