Dalawa ang patay habang 11 ang nasugatan nang araruhin ng truck ang walong sasakyan sa Lipa City, Batangas, nitong Lunes ng hapon.

TRUCK

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), binabagtas ng Isuzu truck (CRZ-674) ang national highway ng Barangay Marawoy, patungo sa Bgy. Sabang, dakong 2:30 ng hapon, nang mawalan ito ng preno at bumangga sa nakaparadang Honda Civic (GEY-623) sa kanang bahagi ng kalsada.

Nagtuluy-tuloy ang truck, na may kargang mga plastic, at inararo ang dalawang jeep na nasa unahan nito.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Isa sa mga jeep ang kumabig pakaliwa, gayundin ang truck, na rumagasa naman sa limang tricycle na nakaparada sa terminal sa tabi ng Floral Garden Cemetery.

Isinugod sa Metro Lipa Medical Center ang driver at 12 pasahero ng jeep, pero nasawi ang dalawa sa mga ito.

Kinilala ang mga namatay na sina Paquito Arante, 60; and Laurence Marquez, 15 anyos.

Nasa kostudiya na ng pulisya ang driver ng truck na si Patrick Perillo, na kakasuhan ng reckless imprudence resulting to homicide, multiple physical injuries, and damage to properties.

-Lyka Manalo