WALANG patid na aksiyon ang matutunghayan sa ilalargang UFC 239, tampok ang duwelo sa pagitan nina lighjt heavyweight defending champion Jon Jones at Thiago Santos, gayundin ang harapan nina women bantamweight titlist Amanda Nunes kontra Holly Holm sa Hulyo 7 sa T-Mobile Arena sa Las Vegas.

AKSIYONG umaatikabo sa UFC 239 na mapapanood sa FOX+

AKSIYONG umaatikabo sa UFC 239 na mapapanood sa FOX+

Tangan ang 24-1 marka tampok ang isang no-contest, idedepensa ni Jones ang titulo na dalawang ulit na niyang nasungkit. Sa edad na 23 anyos, unang nakamit ni Jones ang kampeonato para tanghaling pinakabatang kampeon sa kasaysayan ng UFC.

Sa UFC 232 noong December 2018, ginapi ni Jones si Alexander Gustafsson para masungkit ang light heavyweight championship at nagawang maidepensa laban kay Anthony Smith via unanimous decision noong Marso ng naturang taon. Sa kasalukuyan, siya ang #2 pound-for-pound fighter.

Mentor era? John Amores, nagtuturo na ng 'shooting skills' sa aspiring players

Hindi naman pahuhuli ang Brazilian Mixed Martial artist na si Thiago Santos de Lima na sasabak sa UFC matapos makipaglaban sa The Ultimate Fight: Brazil 2.

Bihasa sa capoeira, tangan ng dating Brazilain army paratrooper ang 21-6 record, at tangan ang pitong panalo via knockout sa huling siyam na laban. Kasalukuyan siyang No.2 sa light heavyweight ranking.

“I will put my aggressiveness, my power, my weapons,” pahayag ni Santos. “I respect Jon Jones, he’s a great champion but now it’s my moment, it’s my time and I will be the new light heavyweight champion. I think Jones thinks this will be an easy fight for him.”

Tiyak din ang agresibong labanan sa pagitan nina Nunes at Tate, dalawa sa pinakamatikas na fighter sa International MMA fight promotion.

“In order to have two belts in two different divisions, you have to be a special something. But she hasn’t faced Holly and that’s the bottom line,” pagyayabang ni Holm. “Every fight makes a difference, the Cyborg and my fight is different than the fight between Amanda and Cyborg. You can look at things in a lot of different ways. [..] And you know Amanda is knocking out the bigger one and having a hard time with the lighter one. So you can’t ever look at a fight and be like oh, she did this in that fight so she’s going to do that to me. Every fighter has a different style and nobody is the same. I’m not Cyborg, I’m not Shevchenko, I’m Holly Holm.”

Mapapanood ang aksiyon sa UFC 239live on FOX+.