Naniniwala si Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde na mga Pinoy ang nasa likod ng pagpapasabog sa loob ng kampo ng militar sa Indanan, Sulu, kamakailan.

Binanggit nito ang pahayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi foreign nationals ang mga nagpasabog.

“There will be adjustments because for the first time, this is the

first incident that the suicide bombers are Filipino citizens,

National

Bulkang Kanlaon, itinaas na sa Alert Level 3!

locals,” ayon kay Albayalde.

Gayunman, sinabi nito na nagsasagawa pa rin sila ng masusing imbestigasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan ng dalawang suicide bomber dahil may lumabas pa na ulat na pawang Moroccan din ang dalawang nasa likod ng pambobomba.

Kung mapatutunayan aniyang Pinoy ang dalawa, ito na ang magiging unang pagkakataon na mayroong local suicide bombers sa bansa.

Nilinaw naman ni Albayalde, wala silang namo-monitor na banta sa Metro Manila matapos kasunod ng insidente.

Una nang sinabi ng AFP na dalawang suicide bombers ang nasa likod ng pagpapasabog sa kampo ng 1st Brigade  Combat Team (1BCT) ng Philippine Army (PA) sa Barangay Tanjung na ikinasawi rin ng tatlong sundalo.

Ikinokonsidera naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na isang kaso ng suicide bombing ang dalawang pagsabog.

Ang nabanggit na paraan ng marahas na pag-atake aniya ay bihirang mangyari sa Pilipinas.

Ang insidente aniya ay palatandaan na mataas na ang antas ng radical extremism sa bansa.

"Personally, I think it's suicide bombing because he (bomber) was carrying the bomb and he detonated it within the perimeter. There were two of them actually. I believe this has raised the level of extremism here and I think we have a lot of work to do to talk to the leaders on the ground, the traditional leaders, the sultans, the datus, and also the BARMM (Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao)," sabi pa nito.

-Fer Taboy at Martin Sadongdong