KAPWA tumimbang sina Filipino super bantamweight Neil John Tabanao at walang talong Amerikano na si Tramaine Williams na 123 pounds kaya tuloy ang kanilang sagupaan sa Sabado (Linggo sa Manbila) sa Foxwood Resort, Mashantucket, Connecticut sa United States.

Pinangakuan si Tabanao na bibigyan ng magandang laban ni promoter Jimmy Burchfiel ng CES Boxing laban sa isang world rated boxer kapag nagwagi sa ikalawang sunod na laban niya sa US kaya tiyak na mapapasabak si William sa Pinoy boxer na minsang naging WBO Oriental featherweight champion.

Dapat na hinamon ni Tabanao si Philippine super bantamweight champion Mark Anthony Geraldo noong nakaraang Mayo 11 sa Davao del Norte ngunit nakansela ang kampeonato sa hindi malamang dahilan.

Sa kanyang huling laban, natalo si Tabanao sa 10-round unanimous decision sa wala ring talong boksingero ng Golden Boy Promotions na si Angelo Leo noong nakaraang Abril 5 sa Las Vegas, Nevada kaya umaasa siyang makababawi laban kay Williams.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

May perpektong rekord si Willliams na 17 panalo, 6 lamang sa pagwawagi sa knockouts kumpara kay Tabanao na may 17 panalo, 5 talo na may 11 pagwawagi sa knockouts. - Gilbert Espeña