FINALLY ay binigyang-linaw na nina Julia Barretto at Joshua Garcia ang matagal nang haka-hakang hiwalay na sila dahil sa third party.

julia at joshua

Dumalo ang dalawa kasama ang team Block Z kasama si direk Mikhail Red sa ginanap na taunang ToyCon kicked off sa SMX Convention Center, Pasay City nitong Biyernes, Hunyo 28.

Ayon sa panayam ni MJ Felipe ng TV Patrol, inamin ng JoshLia na may pinagdaanan ang kanilang relasyon at normal iyon sa katulad nilang magkarelasyon.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Pero hindi sila hiwalay dahil nag-usap sila na ibabalik ang dati nilang samahan bilang, “mag-bestfriends. Yes, bestfriends muna,” saad ni Joshua habang nakatingin sa kanya si Julia.

Muling tinanong ni MJ, since bestfriends na lang ngayon, kung malaya ba silang makipag-date sa iba.

Pero idinaan sa biro ng aktor ang sagot, sabay tawa, “baka siya (Julia), yayain niya akong mag-date.”

“Ganu’n ako na ang manliligaw ngayon?” say ng aktres na ngumiti naman.

Super linaw na wala nang relasyon ngayon ang JoshLia at magkaibigan na lang daw muna sila, back to basic, anila.

Matatandaang ilang buwan nang nabalitang hiwalay na ang dalawa pero walang kumumpirma dahil hindi sila mahagilap ng media, dahil abala sa shooting ng pelikulang Block Z at si Josh naman ay sa seryeng Killer Bride at ang bago niyang ka-loveteam ay si Janella Salvador.

Klinaro rin ni Joshua na hindi si Gerald Anderson na leading man ni Julia sa pelikulang Between Maybes ang dahilan ng hiwalayan.

“Hindi gagawin ni Kuya Gerald ‘yun,” mabilis na sabi ng binata.

Hayan, maliwanag pa sa sikat ng araw, bestfriends na lang ang JoshLia.

-REGGEE BONOAN