Anim sa sampung Pinoy adults, o nasa 40.4 milyong katao, ang araw-araw pa ring nakatutok sa telebisyon para makibalita, batay sa Social Weather Stations survey.

NEWS

Sa nationwide survey noong Marso 28-31 sa 1,440 respondents, 60 porsiyento ng mga Pilipino ang sa telebisyon pa rin nagmo-monitor ng mga balita.

Nasa 21% naman, o nasa 13.9 milyon, ang nakikibalita sa Facebook; 15% o 9.7 milyon ang nakikibalita sa radyo; habang 2% lang, o nasa isang milyon ang nagbabasa ng balita sa mga dyaryo.

National

Sen. Imee Marcos, nanawagan ng 'urgent investigation' sa pag-aresto kay FPRRD

Binigyang-diin ng SWS na mas marami ang tumatangkilik ng mga balita sa Facebook, higit pa sa mga nakikibalita sa radyo at dyaryo, at pumapangalawa sa telebisyon.

Kalahati ng mga adult na Facebook users na nasa kolehiyo (49%) at high school graduates (49%) ang nagbabasa ng balita sa mga social media site.

-Ellalyn De Vera-Ruiz