GUSTONG iklaro ng opisina ni outgoing Quezon City Mayor Herbert Bautista ang kumakalat na balita na walang kinahantungan ang pondo ng siyudad.

Mayor Bistek

Nakapagtataka dahil marami kaming alam na projects ni Mayor Bistek.

Sakto naman na nabigyan kami ng kopya ng report ng cash position ng lungsod na umaabot sa P26 bilyon, as of June 2019.

Cong TV malabo raw pumasok sa politika, sey ng misis

Ang cash position ng Quezon City government mula sa administrasyon ni Mayor Herbert, as of June 15, 2019 ay umaabot sa P26,274.036.108 as cash on hand at bank investment.

Ang nasabing pondo ay validated ng city government sa various depository banks tulad ng mga sumusunod.

  1. Land Bank of the Philippines – Quezon City Hall branch certification #172-06-20-2019 – 210 dated June 20, 2019
  2. Land Bank of the Philippines – Quezon City Hall branch certification #172-06-20-2019-211 dated June 20, 2019
  3. Overseas Filipino Bank certification #2019-06-03 dated June 15, 2019
  4. Development Bank of the Philippines, Heart Center branch certification dated June 15, 2019.

For the 2019 budget ng lungsod, still collectible in the amount of P6,496,929,271.50 mula sa real estate tax, business tax, community tax, socialized housing program, internal revenue allotment, at iba pang regulatory fees simula June 16, 2019 hanggang sa December 31, 2019.

Sabi pa, ang nasabing pondo at puwedeng pagsimulan ng bagong administrasyon ni Mayor-elect Joy Belmonte.

Reggee Bonoan

-REMY UMEREZ