ESPESYAL na bisita ni Matteo Guidicelli ang kanyang girlfriend na si Sarah Geronimo sa kanyang pagtatapos sa halos isang buwang training ng Scout Ranger Orientation Course sa Camp Tecson sa San Miguel, Bulacan nitong Huwebes.

Matteo at Sarah

Bukod kay Sarah, dumalo rin sa graduation rites ni Matteo ang kanyang mga magulang.

Si Matteo ay 2nd Lieutenant sa Army Reserve Command (ARESCOM) ng Philippine Army, bukod sa pagiging miyembro ng Philippine Coast Guard Auxilliary.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, sa pagtatapos ng training ni Matteo ay nagawaran siya ng special recognition, letter of commendation, at scout ranger replica sa pagiging outstanding student mula sa 97 nagtapos ng nasabing Scout Ranger Orientation Course.

Si Matteo rin ang nakakuha ng pinakamataas na grado, 95.20%, sa kanyang mga kasabayan.

Pagkatapos gawaran ng mga parangal, lumapit si Matteo sa mga magulang at humalik. Hinalikan din niya si Sarah, na nakaupo katabi ng kanyang mga magulang, sa gitna ng pagbubunyi ng mga taong dumalo sa graduation rites.

April 15, 2019 nang pumasok si Matteo sa Philippine Army bilang reservist.

-Ador V. Saluta