Ano’ng gagawin mo kung bigla mo na lang nasalo ang P40-milyon biyaya mula sa langit?

(Photo by Jansen Romero)

(Photo by Jansen Romero)

Mahigit P40-milyon jackpot sa Lotto 6/42 ang napanalunan ng isang taga-Bulacan, nitong Huwebes ng gabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ang winning combination ay 19-31-28-20-16-03, na may jackpot price na P44, 415, 837.20.

Kinumpirma ng PCSO na ang nag-iisang masuwerteng ticket ay tinayaan sa isang Lotto outlet sa Pulilan, Bulacan.

Akbayan, suportado imbestigasyon ng CHR sa engkuwentro sa Taboso

May kabuuang 48 naman ang nanalo ng consolation prize, at kukubra ng P15,800 bawat isa makaraang matyambahan ang lima sa nasabing winning combination ng 6/42.

Dahil sa TRAIN Law, 20% tax ang awtomatikong babawasin mula sa jackpot, kaya nasa P35, 532,669.76 ang kabuuang makukubra ng nanalo.

Upang makuha ang jackpot, kailangan lang na pumuta sa main office ng PCSO sa Mandaluyong City at magprisinta ng dalawang ID, para makuha ang kanyang tseke.

-Jel Santos