NAKA-POST na sa social media accounts ni Xian Lim ang poster ng Cinemalaya at poster ng first directorial film ng actor/director titled Tabon. Sa poster pa lang, parang may feel ng suspense at pwede ring horror ang pelikula.

Xian copy

“We poured our heart, mind, body and spirit in this project. Literal na dugo at pawis ang binigay ng lahat ng staff, artist and everyone involved in this film. Maraming salamat sa lahat ng nagtiwala. Full trailer soon!” post ni Xian.

Sina Christopher Roxas, Leon Miguel, Benjie Feliper, Lao Rodriguez, Ynna Asistio, Meggie Cobarrubias, Dexter Doria, Richard Manabat at Bapbap Reyes ang nabasa naming cast sa Tabon.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Nasa credits din ang pangalan ni Xian sa story, screenplay at direction. Ang XL8 Productions ni Xian din ang producer ng pelikula.

Naalala namin, nag-enroll si Xian sa scriptwriting class ni Ricky Lee bilang paghahanda sa Tabon.

Hindi iiwan ni Xian ang pag-arte, in fact, malapit nang ipalabas ang movie nila ni Cristine Reyes sa Viva Films na Untrue at may ginagawa pa siyang pelikula kasama si Alex Gonzaga.

-Nitz Miralles