Patay ang dating miyembro ng Philippine National Police (PNP) nang pagbabarilin ng dalawang armadong magkaangkas  sa motorsiklo sa Pasay City, nitong Sabado.

EX-COP_ONLINE

Ilang tama ng bala sa katawan ang tumapos sa buhay ni Darwin Cruzin y Velasquez, 44, dating PNP member, nakatira sa 2300 Tramo, Barangay 64, Pasay City.

Sa ulat ng Pasay City Police, naganap ang pamamaril sa A. Arnaiz Avenue malapit sa kanto ng Zamora Street, Bgy. 60, Zone 7 sa nasabing lungsod, bandang 3:45 ng hapon.

Eleksyon

Sen. Lito Lapid, Coco Martin sanib-puwersa sa pag-endorso ng 'FPJ party-list'

Sa imbestigasyon, minamaneho ng biktima ang kanyang tricycle sa Arnaiz Avenue nang sumulpot mula sa kanyang likuran at paulanan ng bala ng mga suspek.

Tumakas ang mga suspek patungo sa Edison St., Makati City, at narekober sa pinangyarihan ang isang basyo ng hinihinalang .45 caliber.

Nagsasagawa ng follow-up operation sa insidente.

-Bella Gamotea