Itinalaga ni Pangulong Duterte si dating Department of Social Welfare and Development (DSWD) chief Virginia Orogo bilang bagong undersecretary sa Department of Agrarian Reform (DAR).

Base sa opisyal na opisyal na dokumento na inilabas ngayong Miyerkules, itinalaga si Orogo sa posisyon nitong Hunyo 13. Papalitan niya si David Erro.

Si Orogo ay naging acting chief ng DSWD noong Mayo ng nakaraang taon, pinalitan si dating DSWD head Emmanuel Leyco, na humalili kay Judy Taguiwalo nang tanggihan ng Commission on Appointments (CA) ang kanyang appointment.

-Argyll Cyrus B. Geducos

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho