Inoobliga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga transportation terminal na maglagay ng libreng internet access at restrooms para na rin maging komportable ang mga pasahero.

Ito ay matapos na pormal na lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 1131 kung saan nakapaloob ang mga nasabing obligasyon ng land transportation terminals, stations, stops, rest areas, at roll-on/roll-off terminals.
Noong April 17 pa tapos lagdaan ng pangulo ang nasabing batas na kahapon lamang naman inilabas ng Malakanyang ang pirmadong dokumento.
Sa ilalim ng batas, obligado ang mga transportation terminal na magkaroon ng malinis na pasilidad, partikular ang mga comfort rooms, may parking space, resturants o snack bars at waiting sheds para sa mga pasahero.
Kinakailangan din na ang mga comfort rooms ay may hiwalay na nakalaan para mga babae, lalaki at para sa mga persons with disabilities (PWDs).
Obligado rin na may kahit isang lactation station na hiwalay sa mga comfort room.
Sa mga restrooms ay kinakailangang malinis, ligtas at may sapat na tubig, flush system, toilet seat na may kober, lavatory na may toilet paper, salamin, sabon, hand dryer at door lock; basurahan at lugar para sa mga batang papalitan ng diapers.
Mahigpit na iniuutos sa nasabing batas ang pagbabawal sa paniningil para paggamit ng nasabing pasilidad mula sa mga pasahero.
Walang kinakailangang bayaran sa paggamit ng mga nabanggit na pasilidad at tanging ipakikita lamang ng mga commuter ang kanilang binayarang trip tickets.
Inoobliga rin ng mga transportation terminal na magkaroon at pagamitin nang libre ang mga pasahero ng internet.
-Beth Camia at Argyll Cyrus B. Geducos