ANG daming kinilig na shippers nina Vice Ganda at Ion Perez, na magkatabi sa upuan sa pagdalo nila sa birthday ng kaibigan ng It’s Showtime host. Holding hands pa ang dalawa at nakapatong ang left arm ni Vice sa right thigh ni Ion.

Sabi ng isang kinikilig na fan, wala siyang makitang mali sa PDA (public display of affection) nina Vice at Ion. Ipinapakita lang daw ng dalawa na mahal nila ang isa’t isa, at walang masama roon.

May nag-comment naman na bilib siya sa katapangang ipinakita at ipinadadama ng dalawa na talagang love nila ang isa’t isa.

May natutuwa rin na hindi itinatago nina Vice at Ion ang kanilang relasyon, at natutuwa pa nga sila para kay Vice, dahil napi-feel nilang love talaga siya ni Ion.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Ang sweet and at the same time ang cute ng pagkakahawak ni Ion sa kamay ni Vice. I’m so in love na talaga para sa kanila. Sana kayo na nga talaga ang magka-forever talaga,” comment ng isang shipper.

May humirit pang matagal na nilang wish na mga fans ni Vice na makatagpo ito ng mamahalin na hindi ito itatago.

May nagpayo naman kay Ion, “Ion mahalin mo si Meme (Vice).”

-NITZ MIRALLES