Brutal na pinatay matapos umanong gahasain ang isang babaeng first year college student, na youth minister din sa cathedral, na ang bangkay ay natagpuan sa damuhan sa loob ng isang subdibisyon sa Barangay Bonuan Gueset sa Dagupan City, Pangasinan.
Ang 18-anyos na dalaga, na isa ring choir member ng simbahan sa Dagupan, at residente sa kinatagpuang subdibisyon sa Bgy. Bonuan Gueset ay natagpuang patay nitong Linggo, bago magtanghali.
Napag-alaman na Biyernes ng gabi nang umalis ng bahay ang biktima, at hindi na ito nakabalik hanggang sa makita siya mismo ng kapatid na lalaki sa damuhan na walang saplot sa katawan.
Patuloy pa ang pag-iimbestiga ng pulisya, at sinasabing may isang person of interest na minamatyagan kaugnay ng insidente.
Pinaniniwalaang pinalo sa ulo ang biktima, na naging dahilan ng pagkamatay nito.
-Liezle Basa Iñigo