Nag-courtesy call ngayong Lunes si Manila Mayor-elect Isko Moreno kay outgoing Mayor Joseph Estrada sa opisina ng huli sa Manila City Hall upang tiyakin ang maayos na pagsasalin ng pamunuan sa siyudad.

UPO KA RITO, MAYOR Natatawa si Manila Mayor-elect Francisco “Isko Moreno” Domagoso habang pilit siyang pinauupo ni outgoing Mayor Joseph Estrada sa upuan para sa alkalde sa Bulwagan sa Manila City Hall. (ALI VICOY)

UPO KA RITO, MAYOR Natatawa si Manila Mayor-elect Francisco “Isko Moreno” Domagoso habang pilit siyang pinauupo ni outgoing Mayor Joseph Estrada sa upuan para sa alkalde sa Bulwagan sa Manila City Hall. (ALI VICOY)

Ito ang unang beses na nagkaharap ang dating magkaalyado simula noong halalan ng 2016.

Personal ding iniabot ni Moreno kay Estrada ang liham para sa pormal na kahilingang mailipat sa kanya ang mahahalagang dokumento ng pamahalaang lungsod, tulad ng mga kontrata, loan agreements, inventory, audit reports, at iba pa.

Internasyonal

10k free condoms, ubos agad sa Winter Olympics!

“No matter what color or political affiliation, we have to arrest the city’s freefall. We must humble ourselves not only for us but also for all Manilans,” ani Moreno.

“Salamat sa mainit na pagtanggap dito sa inyong opisina nagpapakita lamang na malawak ang kaisipan ng ating mga alkalde,” sinabi niya kay Estrada.

“I’m happy, nagpapasalamat kami sa ating kasalukuyang alkalde. Very cordial at accommodating sila sa loob,” dagdag pa niya.

Tiniyak din ni Moreno sa mga empleyado ng siyudad na hindi niya sila tatanggalin sa puwesto.

“Walang mangyayari sa inyong hindi maganda sapagkat tapos na po ang halalan. Lahat ng ahensya ng national government who are working inside this building, pumanatag po kayo,” ani Moreno.

Hiniling naman ni Estrada kay Moreno na ipagpatuloy ang magagandang programa ng kanyang administrasyon, tulad ng Manila Dialysis Center, scholarship, at P500 regalo sa mga senior citizens.

-Erma R. Edera