HINDI na lang gender ng baby ang may “reveal” ngayon, dahil may poster at playdate reveal na rin na pinauso ng Star Cinema sa pelikula nitong Hello, Love, Goodbye starring Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Poster ng 'Hello, Love, Goodbye' copy

Ginanap ang poster at playdate reveal last Saturday sa ABS-CBN Studio Experience, na nasa Trinoma, at dinaluhan nina Kathryn at Alden, with Kakai Bautista. Doon din nakumpirma na sa July 31 na ang nationwide showing ng pelikula ni Direk Cathy Garcia-Molina.

Masaya ang poster at playdate reveal dahil nagsasama-sama ang Kapamilya fans ni Kathryn at Kapuso fans ni Alden. Walang network war at magpapatuloy ito hanggang sa maipalabas at habang ipinapalabas ang Hello, Love, Goodbye—at sana ay tuluyan nang mawala ang network war.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Nag-post si Alden ng picture nila ni Kathryn, kuha sa poster and playdate reveal.

“This is it @bernardokath! Countdown to July 31!”

Kasunod nito, mababasa ang maraming nag-congratulate kina Alden at Kathryn, kasunod ang positive comments sa teaser at poster ng pelikula. Pare-pareho rin ang sinasabi ng fans, na panonoorin nila ang Hello, Love, Goodbye nang hindi lang isang beses kundi hanggang may pera sila. Panonoorin daw nila ang movie hanggang sa ma-memorize na nila ang mga eksena at dialogue sa buong pelikula.

Anyway, may nasulat na baka ang susunod na pelikula ni Alden ay si Batangas Rep. Vilma Santos naman ang kanyang makakatrabaho.

Wala pang sinasabi ang GMA Artist Center dito, kahit si Alden at mismong si Congresswoman Vilma, kaya ‘wag munang umasa.

-NITZ MIRALLES