May naghihintay na surprise gift para sa mga padre de pamilya na sasakay sa Light Rail Transit (LRT)-Line 2 bukas, Father’s Day.

Ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA), pagkakalooban nila ng father’s treat ang mga sasakay sa Recto, Santolan at Cubao Stations ng LRT-2, simula 9:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.
Magpapamahagi rin ang LRTA ng sorpresang regalo para sa mga ama simula 3:00 ng hapon hanggang 6:00 ng gabi sa Cubao station.
“SURPRISE: Do something different this Father’s Day. On Sunday, June 16, treat Daddies to a ride fit for a king at LRT-2 as LRTA fills this day with heartwarming melodies, quotes, and gifts—all for our great Fathers. See you there! Happy Father’s Day!” saad sa paabiso ng LRTA.
Mary Ann Santiago