GENERAL SANTOS CITY – Binalaan ni Pangulong Duterte si Kapa Community Ministry International Inc. founder Joel Apolinario na ipapakain sa kanya ang kanyang pustiso kapag ipinagpilitan nitong muling buksan ang kanyang operasyon.

KAPA_ONLINE

Probinsya

4 na mangingisda, natagpuan matapos ilang araw mawala sa katubigan ng Occidental Mindoro

Sa kanyang talumpati sa pamamahagi ng certificate of land ownership award (CLOA) para sa agrarian reform beneficiaries sa Region 12, tinawag ng Pangulo si Apolinario na manggagantso at binalaan.

"You are a pastor but you deceive people, you watch out," pahayag ni Duterte.

Sinabi niya na ang large scale estafa, walang kaukulang piyansa, na kinasangkutan ni Apolinario ay nagpapatuloy at kapag may nagsampa ng kaso pagdating ng panahon, makukulong ang Kapa founder.

Sinabi ng Pangulo na inatasan niya ang National Bureau of Investigation at Philippine National Police na arestuhin si Apolinario.

Ipinagdiinan ni Duterte na ang Kapa ay gumagamit ng Ponzi Scheme na ang perang ibinibigay sa mga unang namuhunan ay mula sa mga bagong recruit, at kapag wala nang na-recruit ay dito na ito malulugi.

"If it is too good to be true, it is wrong," wika ng Pangulo.

Ipinaliwanag ni Duterte sa mga taong humihiling ng pang-unawa na ipinatutupad lamang niya ang batas na inaprubahan ng Kamara de Representantes at Senado, ilang taon na ang nakalilipas.

"The problem is, if I don’t implement it, an impeachment case will be filed against me because I am unable to implement the law for the betterment of the majority," sambit ng Pangulo.

 -Armando B. Fenequito, Jr.