TACLOBAN City – Nahulog ang isang 10-wheeler truck sa isang residential area sa Barangay Maulong, Catbalogan City, na ikinamatay ng isa habang kritikal ang isa pa at nawasak ang mga bahay, nitong Huwebes.

TRUCK_ONLINE

Sa ulat na ipinarating sa police regional headquarters, bumibiyahe ang truck, mula sa Cebu City, patungong Calbayog City nang pumalya ang transmission gear nito.

Sa panayam sa media, sinabi ng driver na si Romulo Adlaon, 54, ang mabigat na kargada at pakurbadang kalsada ang naging sanhi ng pagkahulog niya mula sa kalsada ng Purok 1.

Probinsya

4 na mangingisda, natagpuan matapos ilang araw mawala sa katubigan ng Occidental Mindoro

Kinilala ang nasawi na si Carmeleta Esquerdo, na naipit sa harapang bahagi ng truck nang mahigit isang oras.

Grabe namang sugatan si Yan-yan Igdalino, 16 anyos, na isinugod sa Samar Provincial Hospital.

Wasak naman ang mga bahay, gayundin ang apat na poste ng kuryente.

-Marie Tonette Marticio