KAPAG dumadalaw ang unang apo ni Rosanna Roces na si Gab Revilla, anak ng panganay niyang si Michelle Grace Adriano kay Cavite Vice Governor Jolo Revilla, ay talagang pinaghahandaan niya ito.

Nabanggit sa amin dati ni Rosanna na dadalawin siya ni Gab ng Mayo 28, pero mukhang hindi natuloy dahil nitong Huwebes, Hunyo 6, lang nag-post ang isa sa cast ng Los Bastardos ng litrato niya kasama si Gab.

Caption ni Osang sa litrato nila ni Gab: “May dumalaw na anghel (unang apo) dyusko parang higante.”

May taas na 5’9 si Gab, na 14 years old pa lang, at mahilig mag-basketball, ayon sa proud granny ng bagets.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

“Kapag may basketball (laro), hindi ko na iniistorbo. Grabe kahilig maglaro, kaya tatangkad pa ‘to,” say ng aktres.

Kay Osang daw namana ni Gab ang height nito, at mahilig ding magluto ang bagets, na namana rin nito sa aktres.

“Mahilig magluto si Gab, nakikita niya kasi sa akin,” pagmamalaki pa ng aktres.

Kahawig din pala nina Osang at Grace si Gab, na inakala namin ay ang tatay niyang si Jolo ang kamukha.

Hindi lang namin naitanong kay Osang kung ano ang niluto nila ni Gab nang dalawin siya nito.

-Reggee Bonoan