Tinutulungan ngayon ng Bago City, isa sa mga nangungunang producer ng bigas sa bansa, ang mga magsasaka ng kanilang lugar upang higit na mapakinabangan at maitaas ang produksion ng bigas sa gitna ng implementasyon ng Rice Tariffication Act, na nagpapahintulot sa malayang pag-aangkat ng bigas sa ibang mga bansa.

Sinabi kamakailan ni Mayor Nicholas Yulo na sa ilalim ng bagong sistema ng taripa, kinakailangan ang pakikialam ng lokal na pamahalaan.

“Our goal is really to make our farmers more efficient for them to compete with those in neighboring countries,” aniya.

Tinaguriang rice bowl ng Negros Occidental, pinarangalan ang lungsod ng bago sa ikalawang pagkakataon bilang isa sa mga top rice-producing local government units sa bansa sa ginanap na 2018 Rice Achievers Awards.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ang katimugang lungsod ng Negros ay ang nangungunang rice producer sa mga lungsod at bayan sa Western Visayas, base na rin sa ipinapakitang datos ng Department of Agriculture.

“More than the award, we aim to strengthen our production mainly to prepare for the possible adverse effects of the rice tariffication measure,” pahayag ni Yulo.

Sa ilalim ng rice tariffication, hangad ng bansa ang lowest production cost na may maximized yield.

Ipinapakita sa datos ng City Agriculture Office na may kabuuang palay production ang Bago City, na umaabot sa 119,528 metriko tonelada noong 2018 mula sa inaning bahagi na may 11,879 ektarya.

Tumaas din ang average yield per hectare nito mula 4.2 metriko tonelada noong 2017 sa 4.43 metric tonelado nitong nakaraang taon.

Mula sa dating 20 porsiyento, nag-aambag na ngayon ang lungsod ng 25% sa kabuuang produksiyon ng bigas sa Negros Occidental.

Ayon kay Yulo, malaki ang naging tulong ng edukasyon, pagsasalin ng teknolohiya at mekanismo sa karangalang natamo ng lungsod.

“We are on this path already. We have felt the initial effects of our efforts especially on farm mechanization,” aniya.

Nitong Disyembre lamang, pinasimulan ng probinsiyal na pamahalaan ang farm mechanization program sa lungsod na gumamit ng 200-hectare model rice farm sa Barangay Taloc.

Pinapangasiwaan ang lugar ng 160 magsasaka, na miyembro ng Newton-Camingawan-Para Farmers Association.

Umaasa naman si Yulo na magbibigay ng inspirasyon ang karangalan nilang natamo upang higit pang magsumikap lalo’t marami pa, aniya, ang pagdadaanan nila, lalo na kung ikukumpara sa anim na metrikong tonelada kada ektarya, na inilalabas ng mga magsasaka ng mga kalapit na bansa, sa mas mababang puhunan.

PNA