MARAMING nagmamahal kay Sanya Lopez at kahit ABS-CBN talents, nag-congratulate sa napanalunan niyang New Movie Actress of the Year sa Star Awards for Movies para sa pagganap niya sa pelikulang Wild & Free.

Jak copy

Hindi naman nagpahuli sa pag-congratulate kay Sanya ang mga kasama niya sa Afternoon Prime ng GMA-7 na Dahil sa Pag-ibig na sina Benjamin Alves at Pancho Magno. Very proud ang dalawang aktor sa pagkilala sa pinag-aagawan nilang leading lady sa nasabing afternoon soap.

Hindi rin nagpahuli ang kuya n i Sanya na si Jak Roberto sa pagbati sa kapatid at ang maganda, may throwback kuwento pa si Jak.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Sabi ko na nga ba nakatulong talaga sa ‘yo ‘yung mga pagpapaiyak ko sayo nu’ng mga bata pa tayo, eh. Worth it ‘yung mga nasalo kong lumilipad na tsinelas, hanger, sandok, walis at kung anu-ano pa kay mommy k a k a a r t e mo ( s ’ y e m p r e kailangan may naiambag ako). Sabay-sabay tayo mga kapuso! HAYYY BIDA-BIDA!”

Sinagot ni Sanya si Jak ng, “Magiging worth it din lahat ng mga binalibag sa ‘yo! Next time totoong award na masasambot mo! Love you kyaaa! Para sa ‘tin to!”

I n fairness kay Sanya, consistent siya dahil kahit anong project ang gawin, nagpapakita siya ng husay at hindi madi-disappoint sa kanya ang direktor, lalo na ang mga producer. Napupuri ng televiewers ang husay niya sa pag-arte sa Dahil sa Pag-ibig at malaking bonus pa na maganda at sexy siya at puwedeng gumawa ng sexy roles.

Sa lahat ng mga bumati s a k a n y a , “ M a r a m i n g Salamat po” ang ipinaabot ni Sanya. Hindi lang nito nasabi, pero nangako siguro sa sarili na gagawin ang lahat para mas gumaling pa sa mga susunod niyang proyekto.

-Nitz Miralles