BINIGYAN ng pagkilala ng Department of Agriculture (DA) ang mga magsasaka, mangingisda at mga samahan at indibiduwal para sa kanilang katangi-tanging ambag sa pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura at pangingisda sa Eastern Visayas.

Ngayong taon idinaos ang pretihiyosong “Gawad Saka” Award sa summit Hotel sa lungsod ng Tacloban kung saan nasa 60 indibiduwal at mga grupo sa rehiyon ang pinarangalan para sa kanilang produktibidd, inobasyon, pakikilahok sa komunidad at entrepreneurship.

“Our farmers and fishermen deserve this recognition because no matter how rich you are and no matter how expensive your cars are, it’s worthless if no one would produce food for you,” pahayag ni DA Regional Executive Director Milo delos Reyes.

Kabilang sa mga kinilala para sa kanilang ambag ang mga magsasaka ng bigas, mga organikong magsasaka, nagtatanim ng mga gulay, entrepreneur farmers, researchers, agricultural scientists, agriculture at fishery councils, barangay (village) food terminals, mga nagtatanim ng niyog at tubo.

Binigyan din ng pagkilala ang mga rural improvement club, farm family, corn farmer, small animal raiser, agricultural scientist, local government units, small water irrigator’s association, agricultural extension workers, local farmer technicians, rural woman farmer, seed innovator, local television program, local radio station, at mga Tacloban-based journalist.

Lahat ng pinarangalan ay nakatanggap ng salapi biloang insentibo mula sa agriculture department upang higit pang mapalakas ang mga nagsipagwagi na makibahagi sa sektor ng agrikultura sa rehiyon.

“This year, media awards were likewise given importance by the DA as we believe in the vital role of our media partners in helping the DA Family spread the good news of modern agriculture and fisheries,” ani DA regional information officer Francis Rosaroso, regional Gawad Saka coordinator.

Ang Gawad Saka ay isang taunang programa ng DA na naging pinakamataas na pagkilala sa mga nararapat na magsasaka at mga mangingisda sa bansa na nagtagumpay sa iba’t ibang sektor ng agrikultura.

Tiwala naman si Rosaroso ang makakapasok ang mga regional winners para sa pambansang pagkilala upang higit pang magbigay inspirasyon sa mas maraming magsasaka sa Eastern Visayas.

Malaking bahagi ng rehiyon ng Easrtern Visayas ay para sa pagsasaka kung saan 45 porsiyento o 976,415 ektarya ng kabuuang lupain ang nakalaan sa agrikultura.

Sa mga lupain nitong pang-agrikultura, 70% ang natatamnan ng niyog at 20% ang palay at mais. Habang ang iba pang bahagi ay para sa iba pang pananim at pag-aalaga ng mga hayop at palaisdaan.

PNA