Pitong katao, kabilang ang isang tatlong taong gulang na lalaki, ang nasugatan sa gas explosion sa Sampaloc, Maynila, ngayong Linggo ng umaga.

EXPLOSION

Sinabi ni Brig. Gen. Vicente Danao, Jr., hepe ng Manila Police Disrict, na nangyari ang pagsabog sa Yogurt and Tea House sa Dalupan Street sa Sampaloc, bandang 8:10 ng umaga.

“Based on the initial findings of the Manila Police District Explosive Ordnance Divison, there is a possible gas leak of Petron Gasul. No improvised explosive device were found,” sabi ni Danao.

Sen. Robin, sinabing ilang araw nang 'di natutulog si Atty. Medialdea

Kinilala ni Danao ang mga nasugatan na sina Marco Joseph Magabale, 3; Live Espino, 28, kapwa taga-Parañaque City; Jeffrey Revilla Hernandez, 28, ng Maynila; Raeniel Garcia, 37, ng Valenzuela City; Marilyn Parreno, 57, ng Calauag, Quezon; Merliza Defeo, 42, ng Bucal, Quezon; at Shirley Villarazo, 47, ng Mauban, Quezon.

Pawang nagtamo ng minor injuries ang mga biktima, at isinugod sa Mary Child General Hospital.

Ayon sa pulisya, apat na sasakyang naka-park malapit sa establisimyento ang napinsala rin sa pagsabog.

-Erma R. Edera