MAY pasilip na si Heart Evangelista sa kasama niya sa pelikulang ginagawa niya sa China.

Heart at Armand copy

Sa latest post ng aktres, may kasama siyang male foreigner sa litrato: “What an honor it is to work alongside such talented people like @ armanassante.official! Let’s do this!”

Binisita namin ang Instagram ng kasama ni Heart sa photo at nalaman naming iyon si Armand Assante, isang American actor-writer-director. Hindi binanggit ni Heart kung co-actor niya sa ginagawang pelikula si Armand, o writer o director.

‘Nagkamali kami!’ BINI, nagsalita na hinggil sa nag-leak na video

Nasa China si Heart para sa shooting ng kanyang first international movie, na ayaw pa niyang banggitin ang title, at kung sino ang director at ibang co-stars. Sa promo ng movie na lang malalaman ang title nito.

Kahit siguro sa presscon ng StarStruck 7, kung saan isa si Heart sa council, ay hindi pa rin siya magsasalita tungkol sa pelikulang ginagawa niya sa China. Ang nabanggit lang, action movie ang pelikula, kaya naman nagwo-workout siya ngayon.

Anyway, sa June 15 na ang pilot ng StarStruck 7, at makakasama ni Heart na council sina Cherie Gil at Jose Manalo. Sina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado ang hosts, habang online host naman si Kyline Alcantara.

-NITZ MIRALLES