GRABE ang nabasa naming post ng kilalang entertainment editor ng broadsheet: “’Pag namatay si Jessie sa #TheGeneralsDaughter magpapa-party ako!”

Ryza copy

Bagamat alam naman naming biro lang ito ay half-meant pa rin ito lalo’t marami rin kaming nababasang bina-bash si Jessie, karakter ni Ryza Cenon, dahil kontrabida siya ni Angel Locsin.

Ang galing-galing naman talaga kasi ni Ryza sa The General’s Daughter bilang si 2nd Lt. Jessie de Leon na kontrabida sa buhay ni 2nd Lt. Rhian Bonifacio (Angel) dahil buong pamilya niya na sina General Marcial de Leon (Albert Martinez) at Corazon de Leon (Eula Valdez) ay inaalalayan ang sarili nilang anak, gayundin sina Nanay Isabel Sarmiento (Maricel Soriano), pero itong si Elai Sarmiento (Arjo Atayde) ay heto’t ipinahuhuli ng una.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Sigurado kami, hindi naman siguro nasasaktan si Ryza sa mga nababasa niyang komentong hindi rin magaganda, dahil ibig sabihin no’n ay napupuri siya bilang effective kontrabida kaya maraming galit sa kanya.

Bida-kontrabida naman ang karakter ni Ryza sa TGD, bida dahil kalaban siya ng pangkat nina Heneral Tiago (Tirso Cruz III), Amelia Montemayor-Guerrero (Janice de Belen) at Franco Segismundo (Paulo Avelino) pero kontrabida naman ni Rhian na pinakabida ng serye.

May nagt anong s a amin kung nakakadalaw kami sa set ng The General’s Daughter lalo na sa kampo dahil curious sila kung kumusta ang samahan nina Ryza at ex-boyfriend niyang si Cholo Barretto bilang si 1st Lt. Jopet Ramirez. Nag-aabot daw kasi sila sa set.

Baka naman nagkaayos na ang dalawa na trabaho muna ang prioridad nila kaya okay silang magkatrabaho ngayon. Lahat naman ng bagay ay napag-uusapan.

Pero in fairness, bagay sina Ryza at Cholo, sana nga sila na lang ulit.

-REGGEE BONOAN