SA panayam ni Kuya Boy Abunda kay Vin Abrenica kamakailan sa Tonight With Boy Abunda, tahasang inamin ng aktor na in a relationship siya with Sophie Albert.

Vin at Sophie copy

“Yes, we are together. Exposed naman in all my social media, nandun ang girlfriend ko,” pagmamalaki pa ni Vin.

Noong una raw na naging sila ay pansamantala silang naghiwalay ni Sophie, pero hindi nagtagal at nagkabalikan din sila kaagad.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

B a k i t n g a b a s i l a naghiwalay ni Sophie noon? “We didn’t know any better. Akala namin dati we’re having personal problems, including careers.”

May kinalaman din daw ito sa maling akala ni Vin na baka hindi siya “kakagatin” ng fans kung may girlfriend siya.

“’Yung mga nasasabi sa akin ng mga tao na if you’re in a relationship, hindi ka na raw kakagatin ng fans. (Kasi) Hindi ka na daw available. So ako, hindi ko alam na they’re going to love you for who you are,” pag-amin ni Vin.

“I realized na I can’t live without her,” sabi pa niya. Nabanggit din ni Vin na sigurado na siyang si Sophie ang gusto niyang makasama sa buhay, at napag-uusapan na nga raw nila ang pagpapakasal.

Napaiyak naman si Vin matapos niyang marinig ang sweet birthday message ni Sophie sa kanya ni binasa ni Kuya Boy. Nang pagpaliwanagin kung bakit siya naging emosyonal sa mensahe ng girlfriend, sweet din ang naging sagot ni Vin.

“We’re at a point in in our lives na ramdam ko na mahal na mahal ko siya, eh. Na wala nang iba. Kung mawawala siya sa akin, tingin ko ‘di na ako mag-aasawa. Tatanda ako mag-isa. Tingin ko I’ve changed a lot because of her,” buong tapat na sabi ni Vin.

-Ador V. Saluta