NAKIPAGHATIAN ng puntos si 8-times Illinois, USA chess champion International Master (IM) Angelo Abundo Young kontra kay National Master (NM) Efren Bagamasbad tangan ang black pieces matapos ang 48 moves ng Kings Indian defense sa battle of heavyweights para makopo ang pangkahalatang liderato matapos ang fourth round ng 2019 National Seniors Chess Championship (Standard competition) nitong Martes sa Philippine Academy for Chess Excellence (PACE) No. 56 Mindanao Avenue sa Project 6, Quezon City.

Bunsod nito, nasikwat ni Young ang solo lead na may 3.5 points, half-a-point ahead kina Eduardo Tungia at Sydney, Australia-based Edgar “Bote” Bautista.

“I hope I can sustain my momentum,” sabi ng Marilao, Bulacan resident Young, founder ng newly-formed Young Chess Academy.

Si Tungia na natalo kay Young sa third round ay nakabalik sa kontensiyon matapus gulatin si World’s First Fide Master Adrian Ros Pacis matapos ang 44 moves ng Hippopotamus defense habang si Bautista ay angat naman kay dating NCFP director Eduardo Madrid matapos ang 37 moves ng French defense.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Nabigo naman si Auckland, New Zealand based Jun Isaac, nakatatandang kapatid ni ex-PBA player Leo Isaac na makasalo si Young sa liderato matapos malasap ang heart-breaking loses sa advantage position kontra kay Agripino Camposano matapos ang 37 moves ng King’s Indian Attack.

Dahil sa pangyayaring ito ang 75-years-old Isaac na siyang pinakamatandang kalahok sa 12 player’s field ay nanatili sa 2.5 points, iskor ding naikamada nina Bagamasbad at Pacis.

Sa iba pang kaganapan, nagwagi si Felix Duterte kontra kay National Master (NM) Allan Sasot matapos ang 76 moves ng isa pang Kings Indian Attack skirmish habang diniskaril ni Vic Alfaro si ex-Olympian Woman Candidate Master (WCM) Imelda Flores matapos ang 26 moves ng London System Opening.

Ayon kay national coach Asia’s First Grandmaster Eugene Torre, ang magkakampeon sa 2019 National Seniors Chess Championship ay kakatawanin ang bansa (kung may available funds) sa taong ito na Asian Seniors Chess Championship (September 8-18, 2019, Almaty, Kazakhstan) at World Seniors Chess Championship (November 11 to 24, 2019, Bucharest, Romania).

Samantala ay winasiwas ni Jerome Angelo Aragones si Jacob Sta. Ana tungo sa pag poste ng kanyang ika-3 sunod na panalo at makapuwersa ng five-way tie sa first place na kinabibilangan din nina John Jasper Laxamana, Franklin Loyd Andes, Christopher Khalil Kis-Ing at Ramel Ramilla sa pagpapatuloy ng National Championship Elimination round (Luzon).

Sa women’s play ay hindi pa din matinag sa unahang puwesto sina Alexis Anne Osena, Natorri Biazza Diaz at Manilyn Cabungcag na may tig 3.0 points matapos ang 3 games of play.