KAPWA nangibabaw ang twice-to-beat playoff-bound Quezon City at Taguig sa magkahiwalay na laro para patatagin ang katayuan sa semifinals ng Metro League Reinforced (Second) Conference nitong Martes sa Hagonoy Sports Complex sa Taguig City.
Naitala ng Capitals ang dominanteng 143-106 panalo laban sa Pasigueño, habang nalusutan ng Generals ang Caloocan-Gerry’s Grill, 75-71, para panatilihin ang momentum sa North at South Divisions, ayon sa pagkakasunod.
Nanguna si Adzhar Udjan sa Quezon City (6-2) sa naiskor na 16 puntos at 10 rebounds sa torneo na itinataguyod ng Metro Manila Development Authority (MMDA), Philippine Basketball Association (PBA) at Barangay 143 as league presentor.
Sa kabila ng kabiguan, nanatiling nasa ikatlong puwesto sa South ang Pasigueños (3-4) sa likod ng Bacoor (8-0) at Taguig (7-2) sa torneo na suportado rin ng Synergy 88, World Balance, Excellent Noodles, San Miguel Corporation, SMS Global Technologies, Inc., Spalding, Team Rebel Sports, PLDT at Manila Bulletin as media partner.
Iskor:
(Unang Laro)
Quezon City (143) -- Udjan 16, Vasallo 15, Mabayo 14, Mahari 12, Outtara 12, Delos Reyes 12, Melegrito 10, Estoce Jr. 10, Macaballug 10, Asuncion 9, Espanola 9, Riva 5, Barraquias 5, Comia 4
Pasigueno (106) -- Medina 21, Gatchalian 20, Koga 18, Caranguian 16, Okwuchukwu 16, Sorela 15, Doroteo 0, Jacinto 0
Quarterscores: 34-21, 64-52, 104-90, 143-106
(Ikalawang Laro)
Taguig (75) -- Ojuola 19, Gilbero 17, Guiyab 8, Francisco 6, Alcantara 5, Mayo 4, Olivera 4, Sampurna 3, Rublico 3, Subrabas 2, Gozum 2, Lontoc 2, Caduada 0, Monte 0.
Caloocan (71) --Enriquez 20, De Mesa 14, De Leon 14, Bauzon 9, Niang 9, Darang 3, Tay 2, Sombero 0, Flores 0
Quarterscores: 17-11, 40-33, 58-52, 75-71