Nais ni Department of Justice (DoJ) Secretary Menardo Guevarra na panagutin ang mga importer ng basura ng Canada.
Paliwanag ni Guevarra, hindi makalulusot sa batas ang mga nasa likod ng pagkakapuslit sa Pilipinas ng 69 container van na punung-puno ng basura.
Aniya, hindi dahilan na ang pagpapabalik sa Canada ng basura para hindi kasuhan at papanagutin ang mga importer nito.
Sa ngayon aniya, isinasailalim na sa manhunt operation ng mga awtoridad ang isa sa mga nasabing importer.
Tiniyak naman ni Guevarra na sasagutin ng Canadian government ang P10 milyong gastos sa paghahakot ng nabanggit na basura pabalik sa port of origin nito.
“I have just been informed that the Canadian trash will finally be shipped back to Canada today. The cost of reshipment from Manila to Vancouver, estimated at P10 million, will be shouldered by the Canadian government. The container vans will be loaded on vessels owned by three shipping companies,” pahayag ni Guevarra.
Matatandaang dumating sa bansa ang naturang basura noong 2013 hanggang 2014.
-Beth Camia