PAMILYAR si Arielle Pollack Roces o Arielle Roces sa ipinakilala bilang isa sa grupo ng Star Magic Circle 2019 kamakailan dahil bukod sa kaliwa’t kanan ang TV commercials at print ads ay siya pala ‘yung niligawan ng singer na si Mark Bautista, ilang taon na ang nakararaan.

Arielle copy

Kaya namin ito nabanggit dahil inamin noon ni Mark sa isang mediacon na may natitipuhan siyang babae pero hindi niya binanggit ang pangalan. Non-showbiz ang girl pero may mga TVC na at higit sa lahat, magkaibigan palang sila.

Pero dahil makulit kami kaya ibinulong sa amin ni Mark ang pangalan ng girl kaya hinanap kaagad namin sa social media.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Pero nu’ng i-launch na si Arielle sa Star Magic Circle 2019 ay hindi namin nakilala ang dalaga at nalimutan namin na siya ang binanggit noon ni Mark kaya hinayang na hinayang kami kasi hindi namin siya nakausap.

Anyway, hindi pa tapos noon sa pag-aaral si Arielle ng kursong Bachelor of Science in Business Administration Major in Management with Specialization in Business Analytics sa University of Asia and the Pacific at nitong 2018 lang siya nagtapos.

Kaya marahil nag-full time na si Arielle sa showbiz ay dahil graduate na siya.

Samantala, sa nasabing mediacon ay inamin ni Arielle na nag-audition siya para sa karakter na Darna: “This was just last week po kasi bata pa po ako (gusto ko ng maging Darna), hindi ko po expected, saka hindi naman po ako mukhang Darna.

“Nu’ng nag-audition po ako, grabe ang hirap ng lines, kasi you have to feel po talaga na you’re Darna in front of few people. Pina-feel po talaga na ako si Darna tapos may sound effect na ‘beng-beng’ so nahirapan po ako roon. It was very fun and challenging po talaga kasi ang dami kong nalaman para maging si Darna po.”

Morena beauty at maganda si Arielle bukod pa sa mahilig din ito sa sports at nag-a-aral din ng boxing kaya puwede rin siya sa Darna role.

Pagkatapos ng launching ni Arielle sa SMC ay nag-post siya sa kanyang IG account: “I couldn’t be more proud and excited to announce that I’m officially part of Star Magic family! Thank you Sir for allowing me to do this and for praying for me as I take this new path.“I am beyond grateful most especially to my rock, my stronghold, my forever confidant--- the Lord God Almighty for outpouring me with overwhelming blessings and unfolding possibilities I never thought would even happen.

“To my supportive and loving parents, family, friends, Mr. M, and the whole managament of Star Magic, you are all amazing. Thank you for believing in me! #starmagiccircle2019 #tatakstarmagic#2019starmagiccircle #starmagiclaunch#starmagic #starmagic2019.”

-Reggee Bonoan