“AMIDST all the trials, challenges here we are still together :) Stronger together. #vegas2019 @ jaykhonghun,” ito ang caption ni Aiko Melendez sa litrato nila ni Zambales Vice Governor Jay Khonghun na nakayakap sa kanya sa Vegas trip.

Aiko at Vice Gov. Jay copy

Matatandaan nitong Mayo 24 ay nag-post si Aiko na may problema sila ni Vice Gov Jay b i l a n g n o rma l n a magkarelasyon.

Tinanong pa nga namin ang aktres kung anong nangyari dahil bago naman siya umalis ay okay sila at wala pang 24 oras na nasa ere (biyahe) si Aiko ay biglang may gusot na sila.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Pero mukhang mahal nina Aiko at VG Jay ang isa’t isa dahil isang araw lang ang nakalipas (Mayo 25), ay heto at nag-post na ulit si Aiko ng, “Never leave a true relationship for a few faults, nobody is perfect. And in the end affection is greater than perfection. Just find the right one that you’ll go through hell and heaven with. Have you found yours? Well I did.”

Isa lang ang ibig sabihin, okay na ulit sina Aiko at VG Jay dahil sumunod kaagad ang huli sa Las Vegas para makasama ang mag-iina.

Mensahe ulit namin kay Aiko, “hello love birds?” Kasi nga ang sweet nila sa litrato.

“Ha, ha, ha, ha love wins ‘te,” sagot sa amin ng aktres.

Dagdag pa, “nakipag- ayos s a a k i n ‘ t e h Regs, kaya hayun (sumunod).”

Sa Hunyo 6 pa ang balik ni Aiko sa Pilipinas kasabay ang mga anak na sina Andrei Yllana at Marthena Jickain kasama rin ang lola Elsie Castaneda nila.

Hindi lang namin naitanong kung kasabay din ba nila si VG Jay o mauuna nang umuwi dahil magsisimula na siyang mag-opisina sa Hunyo 1 bilang bagong bise gobernador sa lalawigan ng Zambales.

Si Aiko naman ay magsisimula na ring mag-taping ng Prima Donnas na serye niya sa GMA 7.

-REGGEE BONOAN