ISA sa magiging highlights sa 3rd EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) na gaganapin sa Hulyo ang pagbibigay ng parangal sa sampung inirerespeto at tinitingalang alagad ng ikapitong sining.

Ito ay pagsusog sa sinimulang pagpapahalaga ng SPEEd noong nakaraang taon sa hindi matatawarang kontribusyon ng Icon awardees sa industriya ng pelikulang Pilipino.

Ang 2019 EDDYS Icon honorees ngayong taon ay sina Amalia Fuentes, Vilma Santos, Tirso Cruz III, Christopher de Leon, Joseph Estrada, Eddie Gutierrez, Dante Rivero, Celia Rodriguez, Anita Linda, at Lorna Tolentino.

Pero hindi lang silang napapanood sa pinilakang tabing ang pararangalan sa ikatlong EDDYS. Bilang bahagi ng pagdiriwang ng sentenaryo ng pelikulang Pilipino, kikilalanin din ng SPEEd, katuwang ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa pangunguna ni Chairperson Liza Diño, ang ilang unsung heroes sa likod ng kamera.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Sila ang mga manggagawa na patuloy na nag-aalay ng kanilang panahon, lakas, at talento para pagandahin ang bawat pelikula sa loob ng mahabang panahon.

Kikilalanin din ang tatlong major studios na nagsisilbing inspirasyon sa mga bagong producer: Ang Sampaguita Pictures, LVN Studios, at Premiere Productions.

Narito ang honorees sa Parangal Sa Sandaan: LVN Pictures’ Maroth de Leon, Premiere Productions’ Digna Santiago, Sampaguita Pictures’ Marichu Vera- Perez Maceda, Armida Siguion-Reyna, Val Iglesias, Vic Delotavo, Romy Vitug, Romy Peralta, Lucy Quinto, Val Campbell, Rustica Carpio, at Rosa Rosal.

Ang Sandaang Taon ng Pelikulang Filipino ay itinakda sa pamamagitan ng Presidential Proclamation 622 Series na nilagdaan noong Nobyembr e . Itinalagang lead agency ang FDCP sa selebrasyong ito.

N a u n a n a n g i n i h a y a g n g SPEEd ang mga nominado sa iba’t ibang kategorya ng 3rd EDDYS. Magtutunggali sa Best Picture ang Citizen Jake, Goyo, Liway, Rainbow’s Sunset, at Signal Rock, ang limang pinakamahuhusay na pelikulang ipinalabas noong nakaraang taon.

Isinasagawa ang gawad parangal ng SPEEd para hikayatin, lalong pataasin ang morale at patuloy na magbigay-inspirasyon sa mga manggagawa ng pelikulang Pilipino upang bumuo ng makabuluhan at de-kalidad na pelikula.

Ang SPEEd ay samahan ng mga entertainment editor ng major broadsheets at tabloids sa bansa, sa pangunguna ni Ian F. Fariñas (ng People’s Tonight) bilang presidente. Si Isah Red ang chairman emeritus ng organisasyon.

-DINDO M. BALARES