NAKATAKDANG maglaro ang aktor na si Derek Ramsay para sa Batangas City-Tanduay Athletics sa ikatlong season ng  Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).

RAMSAY

Hindi ito ang unang pagkakataon na maglalaro sa isang commercial basketball league ang sikat na  TV at movie personality. Dati na siyang napabilang sa koponan ng  Kettle Korn sa Philippine Basketball League (PBL).

After 28 years: Thomasian student, naka-gintong medalya sa World Taekwondo Junior Championship

 “Derek is not only a good actor, but a good basketball player as well. We are happy to have him on our team,” sabi ni Batangas City-Tanduay Athletics team manager at Absolute Distillers, Inc. COO Gerry Tee.

Ayon kay Tee, si  Ramsay ay maglalaro sa opening game ng MPBL Season 3 sa Mall of Asia Arena sa June 12. Maglalaro rin siya sa kanilang Dubai game sa Setyembre.

“I love the game of basketball. Joining Team Tanduay is an honor. I always considered myself an athlete before an actor. I know there will be haters and people who will doubt me, but that’s okay. This is a challenge that I’ve decided to take on. I hope to help the team in any possible way I can,” sabi ni Ramsay.

Ang Batangas City-Tanduay Athletics ang tinanghal na kampeon sa unang season ng MPBL ngunit natalo sa  South Division Finals ng Davao Occidental Tigers sa  second season.

“Derek will surely add more excitement in our games. With him on board, fans can expect an even stronger Batangas City-Tanduay Athletics team,” dagdag pa ni Tee.

Mula 2014 ay endorser na si Ramsay ng  Tanduay, na pinarangalan ng World Branding Awards bilang World’s Number One Rum.

Aktibo rin si Ramsay sa sports na ultimate frisbee at beach football.

Bukod kay Ramsay may iba pang  celebrity ang naglalaro sa  MPBL tulad nina  Gerald Anderson, Xian Lim, Mark Andaya at Andre Paras.