INTERESTING na basahin ang post-election post ni Robin Padilla tungkol sa mga paninirang ipinukol sa kanya nang ikampanya niya para senador ang mga naiproklama nang nanalo na sina Senators-elect Bong Go at Ronald dela Rosa.

Robin at Sharon

“Napakarami kong natanggap na paninira sa akin pagkatapos m i n s a n patungkol sa a k i n c a r e e r , k a d a l a s a n personal. Ito lang ang iiwan ko sa mga taong n a g l a a n n g panahon para ako’y gibain at sirain kasama ang aking pamilya: I did it all for the glory of God, Country and fellowmen never of money or power.

“Nagkaroon ako ng mga hindi pagkakaintindihan sa ibang mga tao dahil sa paniniwala at prinsipyo, kailanman ay hindi tungkol sa pera o personal o paninira kundi katotohanan lamang.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

“Ako’y humihingi na paumanhin sa mga taong nasaktan ko sa salita ko, nasigawan ko dahil sa emosyon, o nakapagmalabis ako dahil sa sitwasyon. Tapos na ang eleksiyon, may mga nanalo [na], kaya’t mainam na isantabi na natin ang pulitika at magkaisa tungo sa law and order.

“Kung sino naman ang hindi pa nakaka-recover sa huling mga kaganapan, muli akong nagpapaalala sa inyong mga matatapang at kaedaran ko, hindi tayo ang magkakalaban, dahil tayong lahat ay mga Pilipino at Rebolusyunaryo, kaya’t hindi tayo ang dapat umabot sa sukdulan at magkadisgrasyahan.

“My offer to die as hero sa South China/West Philippine sea is still standing at hindi na kailangan pa ipaalam k a h i t kanino o sa gobyerno.

“Let us do a Tausog and show our countrymen the best way to go is for the country, not f o r any leader, money or personal interest. Sabi nga nila, ang sakripisyo para sa BAYAN ay sakripisyo para sa DIOS! Amen.”

Isa si Sharon Cuneta sa mga hiningian ni Robin ng apology. Nag-post kasi si Sharon ng old photo nila nina Robin, Rudy Fernandez, at Fernando Poe Jr., at ang sabi ni Sharon, nalulungkot siya dahil hindi na mauulit ang litrato dahil dalawa sa nasa photo ay nasa heaven na.

May nag-comment na sana, alagaan ni Sharon ang friendship nila ni Robin. Ang sagot ni Sharon: “Parang dapat sa kanya (Robin) natin ipadala ang message mong ito!”

Comment ni Robin: “Kambal, tapos na eleksiyon, patawarin mo na ako sa pagkukulang ko sa iyong napakabigat.”

May isa pa: “Kambal, umaapaw na pasasalamat sa iyo sa post na ito.”

Gusto tuloy malaman ng netizens kung ano ang nagawang mabigat na kasalanan ni Robin kay Sharon, na ipinagtampo ni Mega.

-NITZ MIRALLES