Nasawi ang dalawang katao, habang pito ang nasugatan makaraang mahulog ang sinasakyan nilang truck sa sapa malapit sa tulay sa Barangay Salong, Kabankalan City, Negros Occidental, ngayong Huwebes ng umaga.
Patay sina Jenalie Alfonso, 49, ng Bgy. 4, negosyante; at Antonio Miralles, 65, empleyado ni Alfonso.
Ayon kay Lt. Col. Jonel Guadalupe, hepe ng Kabankalan City Police, papuntang Bgy. Tabugon ang truck na minamaneho ni Alberto Timtim, Jr., 36, bandang 2:30 ng umaga nang mawalan ng kontrol ang huli sa sasakyan.
Tumawid ang truck sa kabilang lane papalapit sa tulay hanggang magdiretso sa sapa.
Nakaupo sa harapan ng sasakyan sina Alfonso at Miralles kaya sila ang napuruhan sa aksidente, habang sa likod naman nakaupo ang anim na nasugatan, na nagtamo ng minor injuries.
Naka-confine sa ospital ang anim, kasama ang driver na si Timtim, na sugatan din.
Ayon kay Guadalupe, nakatanggap sila ng mga report na lasing ang driver ng truck, pero bineberipika pa nila ito, habang iniimbestigahan ang tunay na sanhi ng aksidente.
-Glazyl Masculino