Naaresto na ang suspek sa panghahalay at pagpatay sa isang kolehiyala sa Lipa City, Batangas, isang araw bago ilibing ang biktima kahapon.

RAPE

Iprinisinta ngayong Huwebes ni Batangas Police Provincial Office director Col. Edwin Quilates sa media si Jorge Arobog Benedicto, 24, na naaresto sa Victoria, Oriental Mindoro, nitong Martes ng hapon.

Si Benedicto, security guard sa subdibisyon, ang nag-iisang suspek sa panghahalay at pagpatay kay Fidex Therese Dimaculangan Maranan, 21, na natagpuang hubo’t hubad, wala nang buhay at nakabalot ng kumot sa sahig ng kanyang silid sa isang subdibisyon sa Barangay Antipolo Del Norte, Lipa City.

National

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA

Pinaniniwalaang tatlong araw nang patay si Maranan nang matagpuan ng pinsan niyang si Romulo Maranan nitong Mayo 17.

Ayon kay Col. Quilates, sa lahat ng persons of interests sa kaso, tanging si Benedicto ang hindi na nagpakita, makaraang hindi mag-duty nitong Mayo 15, bukod pa sa nakita ito sa CCTV footage habang naglalakad patungo sa bahay ng biktima, bandang 11:20 ng gabi, hanggang bumalik sa barracks ng 1:15 ng umaga.

Sinabi pa ni Col. Quilates na ikinuwento umano ni Benedicto sa isa sa mga kapwa niya bilanggo kung ano ang ginawa nito kay Maranan.

“Ikinuwento niya kung anong nangyari sa isang inmate. Pumasok siya dun sa bahay kasi bukas ang pintuan sa likod, and he was immediately seen by the victim, so inuntog niya. Afterwards he raped the victim, then nung nagkakamalay na dun na niya sinaksak sa leeg” ani Col. Quilates.

Sinabi rin umano ng kasamahang sekyu ni Benedicto, si Marvin Opeña, na nag-inuman pa sila noong gabi ng Mayo 15 at inaya umano siya ng suspek na pumunta sa bahay ni Maranan para gahasain ito, ayon kay Col. Quilates.

Dagdag pa ni Col. Quilates, nag-match ang specimen ng suspek sa bahid ng dugo at iba pang specimen sa crime scene.

-Lyka Manalo