LEGAZPI CITY, Albay – Labing-dalawang katao ang namatay sa kidlat at limang vehicular accident ang naganap sa Albay sa loob ng 24 oras.

ROAD_ONLINE

Naganap ang unang insidente sa Sitio Hulandig, Barangay San Jose, Libon sa Albay nitong Martes ng hapon nang mahulog sa bangin ang isang pampasaherong jeep, na ikinasawi ng 10 pasahero at 18 ang sugatan.

Ayon kay Police Major Ryan Atanacio, hepe ng Libon Municipal Police Station (MPS), nawalan ng preno ang jeepney lost habang binabagtas ang pakurbadang bahagi ng highway ng Bgy. San Jose.

Sen. Bato, ‘kumagat sa AI video’ ng mga estudyanteng ayaw sa impeachment ni VP Sara

Isa pang vehicular accident ang naganap sa Legazpi City, bandang 8:30 ng umaga nitong Miyerkules nang mawalan ng preno ang isang van at tatlong beses gumulong sa Sto. Nino Village, Bgy. Taysan, Legazpi City.

Sampu ang sugatan at pawang isinugod sa ospital.

Sa ganap na 11:15 ng tanghali, kumidlat sa Bgy. Padang, at tinamaan si Editha Icban y Bañares, 60 anyos.

Nagluluto si Icban sa likod ng kanilang bahay nang tamaan ng kidlat.

Makalipas ang 12:00 ng hapon, isang pampasaherong bus ang tumaob habang binabagtas ang national highway ng Bgy. Basud sa Sto. Domingo.

Sakay sa RMB bus ang 30 pasahero, at patungo sa Legazpi City mula sa 1st district ng Albay. Walang nasawi sa insidente.

Makalipas ang ilang minuto, isa pang aksidente ang naganap sa Bgy. Lidong kung saan nasagasaan ang isang pedestrian ng Isuzu DMax, minamaneho ni Bong Laurenzana, ng Bgy. Gogon, Legazpi City.

Dead on the spot ang biktima, na hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan.

"Nung nabangga yung biktima, tumilapon siya at tumama sa poste ng kuryente. Yung poste ng kuryente natupi at napugutan ng ulo yung biktima," ayon kay Andy Madrigalejo, ng Sto. Domingo.

Isa pang aksidente ang naganap sa Legazpi City nang sumalpok ang isang ambulansiya, na reresponde sa aksidente sa Sto. Domingo, sa isang motorsiklo sa Bgy. Bonot, Legazpi City.

Isinugod ang rider sa ospital, upang lapatan ng lunas.

-Niño N. Luces