SOBRANG good vibes ang hatid ng litrato ng magkapatid na Zia at Ziggy Dantes, anak nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na pinost ni Marian sa kanyang Instagram (IG). Ang ganda naman kasi ng litrato ng magkapatid na kung saan, nakaupo si Zia habang kalong si Ziggy na tulog na tulog.

Zia at Ziggy copy

Ang caption ni Marian sa photo ng magkapatid ay, “How sweet is this photo of Letizia and Sixto? I know that you two will forever watch out for each other the same way that I will love, support and protect both of you. #MyHeartIsFull # M a r i a L e t i z i a #JoseSixto.”

Puro positive ang comments na mababasa, bawal ang nega dahil kung may makalusot na negative comment, ang mga nag-comment na ng positive ang aaway sa bashers.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

M a p i - p r e s s u r e nito sina Dingdong at Marian dahil karamihan sa mga komento ay sinabing dagdagan nila ang kanilang mga anak, magparami sila ng mga anak dahil sayang ang kanilang lahi. Sabi pa ng netizens, kung kaya pa ng mag-asawa, kahit 10 anak pa ay gumawa sila.

May nag-comment naman na napakasuwerte nina Marian at Dingdong sa pagkakaroon ng magagandang anak at sigurado silang may mga magagandang ginawa ang mag-asawa in their past lives.

Maraming fans ang Dantes siblings dahil itong photo nina Zia at Ziggy, as of yesterday afternoon , ay may 567,911 likes na and still counting.

-NITZ MIRALLES