TAONG 2018 nang kumalat ang balitang tatapusin na ang Home Sweetie Home sitcom, dahil nga wala namang kinapupuntahan ang kuwento dahil nawala na si John Lloyd Cruz noong 2017 bilang si Romeo, na asawa ni Toni Gonzaga as Julie.

Natanong si Toni tungkol dito noong Disyembre, sa mediacon ng pelikula niya with Alex Gonzaga at Sam Milby na Mary Marry Me, at sinabi niyang tanggap daw niya kung ano ang kahihinatnan ng Home Sweetie Home.

Bale ba, ang napapabalitang papalit sa HSH ay sitcom daw ng mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez, pero hindi natuloy, dahil heto at nag-reformat ang sitcom, na Home Sweetie Home Extra Sweet na ngayon.

Sa mediacon ng Home Sweetie Home Extra Sweet, ang ganda ng ngiti ni Toni dahil buhay pa ang sitcom nila.

Nora Aunor, isa rin daw sa mga nalungkot dahil sa nangyari kay FPRRD

“Ako, from the start na nagkaroon kami ng big challenge, na nagkaroon ng malaking challenge ‘yung programa, naihanda ko na ‘yung sarili ko, because hindi naman tayo bago sa industriya, alam natin na shows come and go talaga,” sabi ni Toni.

“So, I was already prepared that time na mag-e-end ‘yung chapter ng Home Sweetie and bilang isang artista, siyempre, kung ano lang ‘yung i-assign sa iyong trabaho, gagawin mo.

“I’m just so surprised and very thankful na the management decided to push through with the program and give it a new look, give it a new flavor, give it a new taste, a new family.

“So, siyempre, nagulat ka kasi you’re prepared to let go of something that has been a part of your life for four years, five years.

“So, I’m just really grateful because may chance, may second chance na magpatuloy ang program with this new family na siyempre, mas exciting.”

Unang umere ang sitcom noong Enero 2014, at limang taon na ito ngayong 2019, kaya siguro nanghinayang din ang ABS-CBN management na tanggalin ito sa ere gayung mataas pa rin sa ratings game, bukod pa sa maganda ang feedback ng viewers, dahil sumasalamin ang show sa magandang ehemplo ng isang pamilyang Pinoy, at higit sa lahat, maraming ads na pumapasok.

Bukod kina Toni at Lloydie ay kasama rin sa original cast sina Jayson Gainza, Mitoy Yonting, Rico Puno (SLN), Sandy Andolong, Ogie Diaz, Clarence Delgano, at Miles Ocampo.

Hanggang sa pumasok na rin sina Rufa Mae Quinto, Empoy Marquez, Ogie, at Jameson Blake nang 2017.

Hanggang sa isa-isa nang nawawala ang main cast, sa pangunguna ni Lloydie, sisipot at hindi naman si Rico J dahil may sakit na siya, at gayundin si Sandy, na nagbakasyon dahil nagkaroon din ng sakit hanggang sa napanood na siya sa GMA-7.

Ang pinakahuling nawala ay si Piolo Pascual, dahil mag-aaral siya ng filmmaking sa ibang bansa na matagal na niyang plano, at lagi rin niya itong binabanggit tuwing makakausap siya ng media.

Sa umereng bagong format ng Home Sweetie Home Extra Sweet nitong Mayo 11, may mga bagong characters na tulad nina Rio Locsin, Vhong Navarro, Bayani Agbayani, Alex Gonzaga, Fumiya, Yam Yam, Direk Bobot Mortiz, at Luis Manzano.

Hindi itinago ni Toni na masayang-malungkot ang naramdaman niya; masaya dahil retained ang show, malungkot dahil may mga nawala.

“Mixed emotions, actually. May part na malungkot ka kasi I’m sure lahat kami na nandito ngayon sa programa, alam namin ‘yung pakiramdam na maging attached ka sa isang grupo ng pamilya, mga katrabaho na matagal mo nang nakasanayan.

“There’s a big part of you na hindi mawawala ‘yun,’ yung may lungkot. But ganun kasi ang buhay, eh. Ganun ang trabaho natin sa industriya, kahit malungkot, magpapatuloy ka kasi alam mong it’s not for you, it’s for the audience. You are an employee who is given a task, given a job, and your job is to perform.

“Of course with a heavy heart, we close that chapter. But with a hopeful heart again, I’m very happy, I’m looking forward and I’m grateful for this new family na nabuo namin ngayon.

“Very exciting ‘yung every taping day namin na i-look forward kasi bago talaga, lahat ng nakikita mo, ng nakakasama mo kaya excited kang magtrabaho.”

Samantala, natanong naman sina Toni at Direk Bobot kung sino ang gusto nilang mag-guest sa bagong bihis na Home Sweetie Home, at pareho ang sagot nila: si John Lloyd. Ang Home Sweetie Home Extra Sweet ay mula sa direksiyon ni Bobot Mortiz, habang si Ms Des Tanwangco-de Guzman ang business unit head, mula sa Star Creatives.

-REGGEE BONOAN