Pinabulaanan ng Malacañang ang napabalitang isinugod sa Cardinal Santos Medical Center si Pangulong Rodrigo Duterte kaninang madaling araw.

OKAY NA OKAY! Upang patunayang maayos ang lagay at wala sa ospital si Pangulong Duterte, nagpadala ngayong Linggo sa mga miyembro ng media ang winning senatoriable na si Bong Go ng litrato ng Presidente habang kasama niyang kumakain.

OKAY NA OKAY! Upang patunayang maayos ang lagay at wala sa ospital si Pangulong Duterte, nagpadala ngayong Linggo sa mga miyembro ng media ang winning senatoriable na si Bong Go ng litrato ng Presidente habang kasama niyang kumakain.

Sa isang text message, sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea na hindi totoong naospital ang Presidente, at posibleng nagpapahinga lang.

“He should probably be in his quarters and resting like what I will do in a few minutes. Thanks for understanding,” sinabi ni Medialdea kahapon ng tanghali.

Probinsya

Nanay na dinedma ng asawa, sinakal ang 4-anyos na anak; patay!

‘SIGNING PAPERS’

Itinanggi rin ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang nasabing balita, at sinabing nasa Malacañang si Duterte “signing papers”.

“The President is in his residence at the Palace signing papers. I just talked to him, he is neither confirming nor denying that he went to the hospital,” sabi ni Panelo.

Sinegundahan din ni Presidential Security Group (PSG) Spokesperson Captain Zeerah Blanche Lucrecia ang sinabi nina Medialdea at Panelo. Gayunman, tumanggi siyang sabihin kung nasaan ang Pangulo.

“As of last night and today, no such incident involving the President took place,” saad sa text message ni Lucrecia.

“I hope you understand that due to security protocols, we can not divulge the President's location. However we can assure you, that the President is well and good,” dagdag pa niya.

Maging si dating Special Assistant to the President (SAP), at pangatlo sa mga nangungunang halal na senador, na si Bong Go ay nagsabing “not true” ang nasabing balita.

ISANG LINGGO

Muling naglutangan ang pagkabahala tungkol sa kalusugan ni Duterte dahil isang linggo na siyang hindi napagkikita ng publiko, at huling nakita nang bumoto sa Davao City nitong Lunes.

Hindi ito ang unang beses na may naglutangang balita tungkol sa pagkakasugod sa Presidente sa Cardinal Santos Medical Center. Oktubre noong nakaraang taon, itinanggi ng mga opisyal ng Malacañang na nagtungo sa ospital ang Presidente.

Gayunman, sa kaparehong araw na iyon ay kinumpirma mismo ni Duterte ang reports.

“But 'yung reading ng aking (results)... somebody advised my doctor just also to repeat and get some samples there. So I stayed there for one hour sa Cardinal Santos,” sinabi ni Duterte noong Oktubre 2018.

‘I WILL TELL YOU’

Tiniyak din ng Presidente na ipaaalam niya sa publiko sakaling mayroon siyang seryosong karamdaman.

“I don't know where I'm now physically but I have to wait for that. But I will tell you if it's cancer, it's cancer,” ani Duterte.

“If it's third stage, no more treatment. I will not prolong the agony in this office or anywhere,” dagdag niya.

-Argyll Cyrus B. Geducos at Beth Camia