MAY mga post sa Facebook page ng rap group na Ex-Battalion na ayon sa mga nakabasa ay sagot ng grupo sa pagre-resign kamakailan ng manager nilang si Ai Ai delas Alas. Maiksi at walang binanggit na pangalan ang mga member at hindi malinaw kung kanino sila nagpasalamat, pero negative ang dating ng post nila sa netizens.

Ai Ai delas Alas copy

Post ng isa sa mga miyembro na si Mark Maglasang: “Salamat po ama” at may emojis ng airplane, clasped hands na nagpapasalamat at rocket ship. Si Mark ang nabanggit ni Ai Ai na tumiwalag na member ng Ex- Battalion bago pa siya nag-resign bilang manager ng grupo.

Post naman ng isa pang miyembro na si Rhen Mangabang: “FEELING BLESSED.”

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

“Thanks po!“ naman ang post ni James Brando, kasama ang emojis na pumapalakpak at tao na parang nasa party.

Post naman ni Archie dela Cruz: “THANK YOU PAPA G”, habang

“Thanks bro!” ang post ni Daryl Borja Ruiz na may emoji rin na pumapalakpak

Sad to say, negative ang d a t i n g s a n e t i z e n s ng post ng members ng Ex-Battalion, at sinabi nilang mabuti raw at nag-resign na si Ai Ai bilang manager ng “pasaway” na grupo.

-Nitz Miralles